Ang Pagsasalin-wika ng Epekto ng Carbon Monoxide sa Kalidad ng Hangin sa Looban
(Carbon Monoxide’s Impact on Indoor Air Quality)
(May kaugnayang impormasyon sa Ingles )
Sa Pahinang Ito:
Huwag kailanman gumamit ng portable generator sa loob ng mga bahay, garahe, mga crawspace, silungan o mga katulad na lugar. Ang mapapanganib na antas ng carbon monoxide ay madaling naiipon sa mga lugar na ito at maaaring magtagal ng ilang oras, kahit na naisara na ang generator.
- Malawakang Pananaw
- Pinagmumulan ng Carbon Monoxide
- Mga Epekto sa Kalusugan na May Kaugnayan sa Carbon Monoxide
- Mga level sa Mga Tahanan
- Mga Hakbang para Mabawasan ang Pagkakalantad sa Carbon Monoxide
- Mga Pamamaraan ng Pagsusukat
- Mga Limitasyon sa Pagkakalantad
- Mga Link sa Karadagang Impormasyon
Ang carbon monoxide ay isang walang amoy, walang kulay at nakakalason na gas. Dahil imposibleng makita, malasahan o maamoy ang nakakalason na fumes nito, maaari kayong mamatay sa CO bago pa ninyong malaman na nasa tahanan ninyo ito. Ang mga epekto ng pagkakalantad sa CO ay lubos na nag-iiba iba mula sa bawat isa depende sa edad, ang pangkalahatang kalusugan at concentration at tagal ng pakakalantad.
Pinagmumulan ng Carbon Monoxide
Kabilang sa mga pinagmumulan ng CO ang:
- unvented kerosene at gas space heaters
- mga may tulong chimney at furnace
- back drafting (pagbabalik ng singaw) mula sa mga furnace, gas water heater, wood stoves at fireplace
- mga gas stove
- mga generator at iba pang mga equipment na pinapagana ng gas
- singaw mula sa sasakyan mula sa mga nakatabing garahe
- usok ng tobacco
- singaw ng auto, truck, o bus mula sa mga katabing garahe, katabing kalye, o mga parking area
- di kumpletong oxidation habang combustion sa mga gas range, at walang vent na gas o kerosene na heater
- gamit na gamit o hindi masyado ayos at naalagaan na mga combustion device (hal. mga boiler, furnace)
- kung ang flue ay hindi wasto ang laki, barado o di nakakonekta
- kung ang flue ay may tulo
Mga Epekto sa Kalusugan na May Kaugnayan sa Carbon Monoxide
Sa mabababan concentration:
- lubos na kapaguran ng mga malulusog na tao
- pananakit ng dibdib ng mga taong may sakit sa puso
Sa mga moderate na concentration:
- angina
- hindi maayos na paningin
- mahinang paggana ng utak
Sa mga mas matataas na concentration:
- hindi maayos na paningin at koordinasyon
- mga sakit ng ulo
- pagkahilo
- pagkalito
- naduduwal o nasusuka
- mga tila trangkaso na sintomas na nawawala kapag lumabas ng bahay
- nakakamatay sa mga lubos na mataas na concentration
Ang mga acute na epekto ay sanhi ng pagkakabuo ng carboxyhemoglobin sa dugo, na pinipigilan ang pagkukuha ng oxygen.
Sa mabababan concentration, ang lubos na pagkapagod sa malulusog na mga tao at pananakit ng dibdib ng mga taong may sakit sa puso. Sa mas matataas na concentration, ang mahinang paningin at koordinasyon; pananakit ng ulo; pagkahilo; pagkalito; pagduduwal o nasusuka Ay maaaring magdulot ng mga tila trangkaso na sintomas na nawawala kapag lumabas ng bahay. Nakakamatay sa mga lubos na mataas na concentration. Ang mga acute na epekto ay sanhi ng pagkakabuo ng carboxyhemoglobin sa dugo, na pinipigilan ang pagkukuha ng oxygen. Sa mga moderate na concentration, angina, mahinang paningin, at nabawasan ng paggana ng utak ay maaaring maganap. Sa mas matataas na concentration, ang pagkakalantad sa CO ay maaaring nakakamatay.
Ang mga average na level sa mga tahanan na walang mga gas stoves ay nag-iiba iba mula 0.5 hanggang 5 parts kada milyon (ppm). Ang mga level na malapit sa wastong naayos na mga gas stove ay madalas na 5 hanggang 15 na ppm at iyong mga malapit sa di masyado naayos na stove ay maaaring 30 ppm o mas mataas pa.
Mga Hakbang para Mabawasan ang Pagkakalantad sa Carbon Monoxide
Pinakamahalaga na tiyaking ang combustion equipment ay name-maintain at wastong naaayos. Ang paggamit ng sasakyan ay dapat maingat na pamahalaan kung katabi ng mga gusali at nasa mga vocational program. Ang mga dagdag na ventilation ay magagamit bilang pansamantalang hakbang kapag may matataas na level ng CO ay inaasahan sa panandaliang tagal na panahon.
- Ipanatiling maayos ang mga de gas na appliance.
- Ikonsidera ang pagbili ng vented space heater o kapag pinapalitan ang isang walang vent.
- Gumamit ng wastong fuel sa kerosene space heaters.
- Magkabit at gumamit ng exhause fan vented sa labasan sa ibabaw ng mga gas stove.
- Buksan ang flues kapag ginagamit ang mga fireplace.
- Pumili ng mga wastong laking wood stove na certified na nakakatugon sa EPA emission standards. Tiyakin na ang mga pinto sa lahat ng mga wood stove ay wastong nakakabit.
- Kumuha ng trained na propesyonal para magsuri, linisin at i-tune up ang central heating system (mga furnace, flues at chimney) taon-taon.
- Ayusin agad ang anumang mga tulo.
- Huwag hayaan na di nagagamit ang kotse sa loob ng garahe.
Mayroon ilang mga medyo mahal na infrared radiation adsorption at electrochemical instrument. Katamtamang presyo na real-time na device na panukat ay available rin. Isang passive monitor ay kasalukuyang dine-develop.
Mga Limitasyon sa Pagkakalantad
Occupational Safety and Health Guideline for Carbon Monoxide
* Tala ng OSHA: Ang patnubay na ito ay nagbubuod sa mahahalagang impormasyon tungkol sa carbon monoxide para sa mga manggagawa at employer at pati na rin para sa mga physician, mga industrial hygienist, at iba pang mga occupational safety at health professional na maaaring mangailangan ng nasabing impormasyon para makapagsagawa ng mabisang occupational safety at health program (mga programa para sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho). Ang mga rekumendasyon ay maaaring pumangalawa sa mga bagong development sa mga larangang ito; samakatuwid ay pinapayuhan ang mga nagbabasa na ikonsidera ang mga rekumendasyong ito bilang mga pangkalahatang patnubay at para malaman kung may available na bagong impormasyon.
[OSHA PEL] Ang kasalukuyang Occupational Safety and Health Administration (OSHA) permissible exposure limit (PEL) para sa carbon monoxide ay 50 parts per million (ppm) parte ng hangin (55 milligrams kada cubic meter (mg/m(3))) bilang isang 8 na oras na time-weighted average (TWA) concentration [29 CFR Table Z-1].
[NIOSH REL] Ang National Institute for Occupational Safety and Health (NIOSH) ay nagtatag ng isang recommended exposure limit (REL) para sa carbon monoxide na 35 ppm (40 mg/m(3)) bilang isang 8 oras na TWA at 200 ppm (229 mg/m(3)) bilang isang higit na takdang limitasyon [NIOSH 1992]. Ang limitasyon ng NIOSH ay batay sa panganib ng cardiovascular na mga epekto.
[ACGIH TLV] Ang American Conference of Governmental Industrial Hygienists (ACGIH) ay nagtalaga sa carbon monoxide ng isang threshold limit value (TLV) na 25 ppm (29 mg/m(3)) bilang isang TWA para sa normal na 8 oras na araw na trabaho at 40 oras sa isang linggo ng trabaho [ACGIH 1994, p. 15]. Ang ACGIH na limitasyon ay batay sa panganib ng elevated carboxyhemoglobin levels [ACGIH 1991, p. 229].
Mga Link sa Karadagang Impormasyon
Centers for Disease Control and Prevention (CDC), National Center for Environmental Health
- Carbon Monoxide Poisoning Fact Sheet EXIT(makikita sa iba’t ibang mga wika)
Mga Portable Generator
Consumer Product Safety Commission (CPSC): Ang mga portable generator ay nakakatulong kapag ang pansamantala o remote na kuryente ay kinakailangan, pero maaaring mapanganib ang mga ito. Ang singaw ng generatr ay naglalaman ng carbon monoxide. Ito ay isang lason na hindi ninyo nakikita o naaamoy. Huwag gumamit ng generator sa loob ng bahay o garahe, kahit na ang mga looban at bintana ay bukas. Gumamit lang ng mga generator sa labas at malayo mula sa mga bintana, pinto at vents.