Mapanganib na mga Pollutant sa Hangin: Ethylene Oxide (EtO)
Natapos na ng U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ang mga pagbabagong ginawa sa National Emission Standards for Hazardous Air Pollutants (NESHAP) para sa Ethylene Oxide Commercial Sterilizers. Mula noong 2019, ang EPA ay naglilikom ng impormasyon kung paano mababawasan ang panganib ng mga tao mula sa pagkakalantad sa EtO sa pamamagitan ng pagkokontrola sa air pollution sa sandaling ito ay nalikha, kung kailan ito naihahalo bilang isang ingredient para gumawa ng iba pang mga produkto, at kung kailan ito ginagamit sa mga commercial sterilizing facility, na matatawag natin na mga “commercial sterilizer.” Ang patakarang ito ay isa sa pinakamahalagang mga hakbang na ginagawa ng EPA para mabawasan ang mga emission ng ethylene oxide at may malaking magagawang pagbabawas sa panghabang buhay na panganib ng kanser para sa mga taong nakatira malapit sa mga sterilization facility.
Lubos pang alamin ang tungkol sa kilos na ito.
https://www.epa.gov/hazardous-air-pollutants-ethylene-oxide/final-amendments-strengthen-air-toxics-standards-ethylene