Mga madalas na katanungan sa Coronavirus (COVID-19) at hangin sa looban
(Frequent Questions about Indoor Air and the Coronavirus (COVID-19)
(May kaugnayan na impormasyon sa Ingles.)
Sakit sa Coronavirus 2019 (COVID-19)
Sa pahinang ito:
Mapoprotektahan ba ako at ang aking pamilya ng Ozone Generator mula sa COVID-19?
Ang umaandar bang HVAC system sa bahay ko ay makakatulong sa akin laban sa COVID-19?
Mapoprotektahan ba ako at ang aking pamilya ng Ozone Generator mula sa COVID-19?
Hindi, huwag gumamit ng mga ozone generator sa mga tinitigilang lugar. Kapag ginamit sa mga ugar na hindi humihigit sa mga standard sa pampublikong kalusugan, ang ozone na ginagamit sa hangin sa looban ay hindi mabisang nag-aalis ng mga virus, bakterya, mold, o iba pang mga biological na pollutant. Bumisita sa website ng Centers for Disease Control and Prevention para sa mga pinakamainam na pamamalakad para protektahan ang inyong sarili at ang inyong pamilya
Mayroon bang patnubay na masusunod ang HVAC na ang mga building at maintenance na propesyonal para makatulong na magbigay proteksyon laban sa COVID-19?
Ang American Society of Heating, Refrigerating and Air-Conditioning Engineers (ASHRAE) ay nag-develop ng proactive na patnubay para makatulong na matugunan ang mga ikinababahala sa sakit na coronavirus 2019 (COVID-19) na may kaugnayan sa operasyon at maintenance ng heating, ventilating at air-conditioning na mga system. Basahin ang patnubay ng ASHRAE . (Sa Wikang Ingles)
Saan makakakuha ang mga professional na namamahala ng paaralan, opisina, at mga commercial building tungkol sa ventilation at filtration para matugunan ang COVID-19?
Ang mga professional na nagtatrabaho sa paaralan, opisina, at mga commercial building ay dapat kumonsulta sa mga patnubay ng American Society of Heating, Refrigerating and Air-Conditioning Engineers (ASHRAE) para makakuha ng impormasyon sa ventilation at filtration para makatulong na mabawasan ang mga panganib mula sa virus na sanhi ng COVID-19. Sa pangkalahatan, karaniwang naaangkop ang mas malakas na ventilation at filtration; gayunman, sanhi ng pagiging komplikado nito at pagkakaiba-iba ng mga uri, laki, estilo ng konstruksyon, HVAC system components, at iba pang mga katangian ng mga gusali, dapat unawain ng isang professional ang mga patnubay ng ASHRAE para sa kanilang tiyak na gusali at mga kondisyon nito. Bumisita sa ASHRAE website para sa karagdagang impormasyon. (Sa Wikang Ingles)
Ang mas malinis na hangin o air purifier ay makakatulong ba sa akin at sa aking pamilya mula sa COVID-19 sa aking tahanan?
Kapag wastong nagamit, ang mga air purifier ay makakatulong na makabawas sa mga airborne na contaminant kasama na ang mga virus sa bahay o sa mga saradong espasyo o lugar. Gayunman. ito lang mismo, ang isang portable air cleaner ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang pagpapagana ng air cleaner ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya.
Basahin ang “Gabay sa air cleaners sa tahanan” ng EPA para sa impormasyon sa paglalagay at pagpapagana ng portabe air cleaner. (Sa wikang Ingles)
Paano ko mapapalakas ang ventilations a bahay para makatulong na protektahan ang aking pamilya mula sa COVID-19?
Ang pagtitiyak ng wastong ventilation sa panlabas na hangin ang isang standard na pinakamainam na pamamalakad para sa pagpapahusay ng kalidad ng hangin sa looban. Gayunman, ito lang mismo, ang pagpapalakas ng ventilation ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang pagpapalakas ng ventilation ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya.
Para mapalakas ang ventilation sa inyong tahanan, maaari ninyong:
- Buksan ang mga bintana, o ang mga may screen na pintuan, kung posible
- Paganahin ang isang window air conditioner na may panlabas na intake o vent ng hangin, na ang vent ay bukas (ang ilang mga window air conditioner ay walang panlabas na intake ng hangin)
- Buksan ang panlabas na intake ng hangin ng HVAC systen, kung mayroon ang unit ninyo nito (ito ay di karaniwan). Sumangguni sa inyong HVAC manual o sa professional ng HVAC para sa mga detalye.
- Paandarin ang fan sa banyo kapag may gumagamit ng banyo at patuloy-tuloy, kung posible
Iwasan ang mga kilos na ito kapag ang panlabas na pollution ng hangin ay matindi o kapag nagiging masyadong malamig, mainit, o humid ang tahanan. Para sa karagdagang impormasyon sa pagpapalakas ng ventilation sa mga bahay, basahin ang residential na patnubay mula sa American Society of Heating, Refrigerating and Air-Conditioning Engineers (ASHRAE). (Sa Wikang Ingles)
Ang umaandar bang HVAC system sa bahay ko ay makakatulong sa akin laban sa COVID-19?
Ito lang mismo, ang pagpapaandar ng HVAC system ay hindi sapat para protektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya mula sa COVID-19. Gayunman, kapag ginamit kasabay ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang pagpapagana ng HVAC system ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya, dahil ang pagpapaandar ng inyong HVAC system filters sa hangin habang ito ay umiikot.
Kung mayroon kayong HVAC system:
- Paandarin ang system fan nang mas matagal, o tuloy-tuloy, habang fini-filter ng HVAC systems ang hangin lang kapag ang fan ay umaandar. Maraming mga system ay maaaring i-set para mapaandar ang fan kahit na walang heating o cooling na nagaganap.
- Tiyakin na ang filter ay nakakabit nang husto at ikonsidera ang pag-upgrade ng filter sa higher efficiency na filter o sa pinakamataas na rated na filter na maaaring magamit ng inyong system fan at filter slot (kumonsulta sa inyong HVAC manual o sa HVAC professional para sa mga detalye).
- Buksan ang intake ng panlabas na hangin, kung mayroon nito ang inyong system (ito ay hindi karaniwan para sa home systems). Sumangguni sa inyong HVAC manual o sa professional ng HVAC para sa mga detalye.
Basahin ang “Gabay sa air cleaners sa tahanan” ng EPA para sa impormasyon sa paglalagay at pagpapagana ng portabe air cleaner. (Sa wikang Ingles)
Ang paggamit ba ng evaporative cooler (minsan ay tinatawag na “swamp cooler”) o whole-house fan ay makakatulong sa akin na protektahan ang aking sarili at aking pamilya mula sa COVID-19?
Ang parehong evaporative coolers (o “swamp coolers”) at ang whole-house gans ay nakakatulong na protektahan ang mga tao sa looban mula sa galing sa hangin na mga transmission ng COVID-19 dahil napapalawak nito ang ventilation, gamit ang hangin sa labas para mapapalamig ang mga espasyo sa looban. Ang mga evaporative cooler ay ginagamit sa mga tuyong klima. Gumagamit ang mga ito ng tubig para mapalamig at maparami ang kaugnay na humidity sa looban. Kapag gumagana ayon sa layunin nito (na bukas ang mga bintana), ang mga device na ito ay nakakagawa ng sapat na pagdami ng ventilasyon sa panlabas na hangin. Ang ilang mga evaporative cooler ay maaaring agmitin ngn hindi gumagamit ng tubig kapag ang mga temperatura ay mas banayad (katamtaman), para mapalawak ang ventilation sa looban. Iwasan ang paggamit ng evaporative coolers kung ang pollution ng hangin sa labas ay mataas at ang system ay walang high-efficiencty filter.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpili at paggamit ng evaporative coolers, basahin ang evaporative coolers web page ng Department of Energy. (Sa wikang Ingles)
Ang whole-house fans ay karaniwang ginagamit rin para magdulot ng pagpapalamig sa pamamagitan ng paghihigop ng hangin sa paamagitan ng mga bukas na bintana at pinto at inilalabas ang mga ito sa bubong. Kapag ginagamit ayon sa layunin nito, na bukas ang mga bintana, ang mga device na ito ay nakakagawa ng sapat na pagdami ng ventilasyon sa panlabas na hangin sa buong bahay. Iwasan ang paggamit ng whole-house fans kung masyado malakas ang poluttion ng hangin sa labas.
Para sa karagdagang impormasyon sa pagpili at paggamit ng whole-house fans, basahin ang whole-house fans web page ng Department of Energy. (Sa wikang Ingles)
Gayunman. ito lang mismo, ang isang evaporative cooler o whole-house fan ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang pagpapagana ng isang evaporative cooler o whole house fan ay maaaring isang parte ng plano para maprotektahan ang inyong sarili at ang inyong pamilya.
Anong uri ng filter ang dapat kong gamitin sa aking home HVAC system para makatulong sa pagpoprotekta sa aking pamilya mula sa COVID-19?
Ang Minimum Efficiency Reporting Values, o MERV, ay nag-uulat sa kakayahan ng filter para makuha ang mga particle. Ang mga filter na may MERV-13 o mas mataas na mga rating ay maaaring makahuli ng mas maliliit na mga particle, kasama na ang mga virus. Maraming mga HVAC system ay may MERV-8 filter na nakakabit bilang detault. Ang pag-upgrade sa MERV-13 rated filter, o ang pinakamataas na may rate na filter na kaya ng inyong HVAC system fan at filter slot, ay maaaring makapagpahusay sa bisa ng system sa pag-aalis ng mga virus mula sa umiikot na hangin. Bago magsagawa ng anumang mga pagbabago sa air filter ng isang HVAC system, dapat konsulathin ng mga user ang manual ng kanilang HVAC o isang propesyonal ng HVAC.
Tiyakin na nakakabit ng maayos ang HVAC filter. Ikonsider rin ang pagpapagana ng system fan nang mas matagal, o tuloy-tuloy, habang fini-filter ng HVAC systems ang hangin lang kapag ang fan ay umaandar. Maraming mga system ay maaaring i-set para mapaandar ang fan kahit na walang heating o cooling na nagaganap. Ang isa pang hakbang na makakatulong ay ang pagbubukas sa pumapasok na hangin galing sa labas, kung mayroon ang system ninyo nito. Gayunman, ito ay hindi pangkaraniwan sa mga home system.
Ito lang mismo, ang isang na-upgrade na HVAC filter ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang na-upgrade na HVAC filter ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya.
Basahin ang “Gabay sa air cleaners sa tahanan” ng EPA para sa impormasyon sa paglalagay at pagpapagana ng portabe air cleaner. (Sa wikang Ingles)
Ang pagpapagana ba ng isang window air conditioner ay makakatulong sa akin at sa aking pamilya mula sa COVID-19?
Ang window air conditioners (AC) ay ginagamit para mapalamig ang mga tiyak na espasyo sa looban at ang ilan ay maaaring makatulong sa pagbabawas ng mga virus na galing sa hangin kung mayroon ang mga ito na outdoor air itake at/o MERV-13 o mas mahusay na filter. Tandaan na ang mga AC unit na may outdoor air intake ay hindi karaniwan. Kung ang inyong window air conditioner ay may outdoor air intake, at malinis ang hangin sa labas, sa gayon ay buksan ang intake para makatulong na mapalawak ang ventilation sa hangin sa labasan, na nakakatulong sa pagbabawas ng anumang virus na galing sa hangin.
At, sa ilang mga unit, maaaring dumaan ang hangin sa pamamagitan ng mga filter habang gumagalaw ito sa air conditioner. Para mabawasan ang mga virus na galing sa hangin, ang nasabing mga filter ay kailangang mayroong MERV-13 o mas mataas pa na rating (o MERV-13 o mas mataas na katumbas na filter). Tingnan sa inyong AC manual para sa karagdagang impormasyon sa mga filter para sa inyong tiyak na unit.
Gayunman, gamit lang ito, ang window air conditioner na may outdoor air intake at/o MERV-13 o mas magandang filter ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention, ang pagpapagana ng window air conditioner ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya.
Mahalaga ba ang ventilation para sa kalidad ng hangin sa looban kapag naglilinis at/o nag-sanitize bilang panlaban sa COVID-19 sa looban?
Kapag nililinis at nagdi-disinfect laban sa COVID-19, mahalaga ang ventilation. Gamit ang nakarehistro sa EPA na cleaning at disinfecting na mga produkto ayon sa mga instruksyon sa etiketa, ay ang pinakamainam na paraan para matiyak na ang anumang panganib sanhi ng pollution sa looban na hangin ay nababawasan habang pinananatili ang bisa ng disinfecting product. Lalo na, sundan ang mga pag-iingat sa etiketa na nagrerekumenda ng pagsusuot ng mga personal protective equipment, tulad ng mga guwantes o eye protection, na nilikha para protektahan ang gumagamit mula sa produkto. Bilang isang pangkalahatang pag-iingat, huwag ihalo-halo ang mga cleaning o disinfecting product.
Sa pangkalahatan, ang pagpapalawak ng ventilation habang at makalipas maglinis ay nakakatulong sa pagbabawas sa pagkakalantad sa cleaning at disinfection na mga produkto at mga byproduct. Ang pagpapalawak ng ventilation, halimbawa, sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bitana at pinto, ay makakapagpababa rin sa mga panganib ng nananatiling mga particle mula sa paglilinis, lalo doon sa mga posibleng may dala ng SARS-CoV-2 (o iba pang mga contaminant). Iwasan ang ventilation sa panlabas na hangin kapag ang panlabas na pollution ng hangin ay matindi o kapag nagiging masyadong malamig, mainit, o humid ang tahanan. Basahin ang AirNow for information about outdoor air pollution near you.(Sa wikang Ingles)
Gayunman, ito lang mismo, ang paglilinis, pag-sanitize at ventilation ay hindi sapat para protektahan ang mga tao mula sa COVID-19. Kapag ginamit kasama ng iba pang mga pinakamainam na pamamalakad na inirerekumenda ng Centers for Disease Control and Prevention; ang paglilinis, pag-sanitize at ventilation ay maaaring maging bahagi ng isang plan para maprotektahan ang sarili ninyo at ang inyong pamilya.