Nagpalabas ng Patnubay ang EPA at CDC para sa Paglilinis at Pagdi-disinfect ng Mga Espasyo Kung Saan Tumitira, Nagtatrabaho, at Naglalaro ang Mga American
Ang patnuay ay nakakatulong sa mga pasilidad at pamilya na ipatupad ang mga patnubay para sa Opening Up American Again
04/29/2020
Impormasyon sa Pakikipag-Ugnayan:
WASHINGTON (April 29, 2020) — Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) at ang Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ay nagpalabas ng updated na patnubay para makatulong sa mga facility oeprator at pamilya na malinis nang maayos at ma-disinfect ang mga espasyo. Na-develop kasama ng White House, ang patnubay ay nagbibigay ng step-by-step na mga instruksyon para sa mga pampublikong espasyo, mga lugar ng trabaho, mga negosyo, mga paarlaan, at mga tahanan, at umaalinsunod sa Mga patnubay ng Opening up America Again (Sa wikang Ingles).
“Ang mga patnubay na ito ay magbibigay sa lahat ng mga American ng impormasyong kakailanganin nila para makatulong sa bansang mabuksan agad sa ligtas na paraan hangga’t maaari,” sabi ni EPA Administrator Andrew Wheeler. “Ang mga protocol na ito sa paglilinis at pag-disinfect ay makakatulong na matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng lahat sa ating mga tahanan, paaralan, opisina at negosyo.”
“Ang wasto at mabisang paglilinis at pag-disinfect ay mahahalaga para makatulong na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19,” sabi ni CDC Director Dr. Robert Redfield. “Habang muling bubuksan ang ating bansa, ang patnubay na ito ay kritikal para makatulong sa mga American na makalabalik nang ligtas sa trabaho, paaralan, at iba pang pang-araw araw na aktibidad na ginagawa nila sa loob ng kanilang mga komunidad.”
Ang kadalubhasaan ng EPA sa ligtas at mabisang paggamit ng mga disinfectant na panlaban sa virus na nagdudulot ng COVID-19 ay nagbigay impormasyon habang ginagawa ang komprehensibong plano na ito. Ang patnubay ay nagbibigay ng praktikal at tatlong hakbang na proseso sa paghahanda ng mga espasyo para sa muling pagbubukas:
- Mag-develop ng plan,
- Ipatupad ang plan, at
- Mapanatili at baguhin ang plan.
Ang paglilinis at pagdi-disinfect ng mga surface ay isang mahalaga at dalawang-hakbang na proseso na susi sa anumang pagsisikap para mabawasan ang panganib na malantad sa COVID-19.
- Linisin: Gumamit ng sabon at tubig para maalis ang germs, dumi at mga impurity mula sa mga surface. Nababawasan nito ang panganib ng pagkakalat ng impeksyon.
- I-disinfect: Gumamit ng mga disinfectant na produkto para mapatay ang mga germs sa surface. Sa pamamagitan ng pagpapatay ng germs makalipas itong linisin, higit pa nitong mababawasan ang panganib ng pagkakalat ng impeksyon.
Ang EPA ay bumuo ng isang listahan ng disinfectant products, kasama na ang mga ready-to-use na spray, concentrate, at wipes, na magagamit laban sa COVID-19. Parating sundin ang mga instruksyon sa etiketa ng produkto at impormasyong pangkaligtasan kasama ang pag-iiwan ng produkto sa surface nang sapat ang tagal para mapatay ang mga germs, banlawan ang produkto para makaiwas na ma-ingect ito, at ang pagtatabi agad ng produkto nang malayo mula sa mga bata.
Also, avoid over-using or stockpiling disinfectants or personal protective equipment (such as gloves). Maaari itong magresulta sa mga pagkukulang sa mga kritikal na produkto na kinakailangan para sa mga emergency. Sa kaganapan na ang mga disinfectant na produkto na nasa listahan ng EPA ay hindi available, ang patnubay ay nagkakaloob ng iba pang mga pamamaraan sa pagdi-disinfect ng mga surfacec na kasing bisa ng pagbabawas sa panganib na malantad sa COVID-19.
Ang patnubay na ito ay hindi pumapalit sa iba pang mga hakbang na kailangan pa rin gawin para makabawas sa panganib ng pagkakalantad sa COVID-19. Mahalagang ipagpatuloy ang social distancing, magsuot ng mga tela na face covering, at hugasan nang madalas ang inyong mga kamay. Habang pasulong tayo na buksan muli ang America, patuloy na sundin ang mga pederal, pang-estado, tribal, pang-teritoryo at lokal na patnubay.
Para basahin ang patnubay, i-click dito: https://www.epa.gov/coronavirus/guidance-cleaning-and-disinfecting-public-spaces-workplaces-businesses-schools-and-homes (sa wikang Ingles).
Para sa mga impormasyong may kaugnayan sa EPA sa iba’t ibang wika, i-click dito: https://www.epa.gov/lep