Pambansang Sentro sa Pagtugon
Makipag-ugnayan sa Pambansang Sentro sa Pagtugon sa: 800-424-8802. Kung hindi ka nagsasalita ng Ingles, pindutin ang 1, at tukuyin ang wika mo para maikonekta ka sa isang interpreter.
Bahagi ang Pambansang Sentro sa Pagtugon (National Response Center, NRC) ng pederal na itinatag na Pambansang Sistema sa Pagtugon at na 24 na oras kada araw na may kawani ng Coast Guard ng Estados Unidos. Isa itong itinalagang pederal na linya ng pakikipag-ugnayan sa pag-uulat ng lahat ng pagtagas ng langis, kemikal, na radiolohikal, biolohikal at etiohikal sa kalikasan, saan man sa Estados Unidos at mga teritoryo nito. Gumagawa rin ang NRC ng mga pandagat na ulat ng anumang nakakasuspetsang aktibidad at paglabag sa seguridad sa loob ng mga karagatan ng Estados Unidos at mga teritoryo nito.
Ina-activate ng mga ulat sa NRC ang Pambansang Plano para sa Contingency at ang mga kasanayan sa pagtugon ng pederal na pamahalaan. Responsibilidad ng mga kawani ng NRC na abisuhan ang nauna nang itinalagang Tagakoordina sa Mismong Eksena na nakatalaga sa lugar ng insidente, at na mangolekta ng available na impormasyon sa sakop at kalikasan ng pagtagas, ang kasangkot na pasilidad o barko, at ang (mga) partidong responsable sa pagtagas. Minementena ng NRC ang mga ulat ng lahat ng pagtagas at pagkatilapon sa pambansang database.