Pagtulong sa mga Taong may Limitadong Kaalaman sa Ingles
Noong Agosto 11, 2000, nilagdaan ni Pangulong Clinton ang Executive Order 13166 na pinamagatang, "Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency" (Pagpapahusay ng Access sa mga Serbisyo para sa mga Taong may Limitadong Katatasan sa Ingles). Inaatasan ng Executive Order ang mga ahensyang Pederal na suriin ang mga serbisyong ibinibigay nila, tukuyin ang anumang pangangailangan sa serbisyo ng mga may limitadong katatasan sa Ingles (LEP), at bumuo at magpatupad ng sistema para ibigay ang mga serbisyong iyon at nang magkaroon ang mga indibidwal na may LEP ng makabuluhang access sa mga ito. Inaatasan din ng Executive Order na magsumikap ang mga ahensyang Pederal para matiyak na nagbibigay ang mga tatanggap ng Pederal na tulong-pinansyal ng makabuluhang access sa kanilang mga aplikante at benepisyaryo ng LEP.
Bilang pagsunod sa Executive Order 13166, inaatasan ang EPA sa:
- pagbalangkas ng patnubay sa Titulo IV para magtakda ng pangkalahatang balangkas sa mga tatanggap ng tulong-pinansyal ng EPA na malalapat sa pagbuo ng mga alituntunin para magbigay ng makabuluhang access sa mga indibidwal na may LEP na lumalahok sa kanilang mga programa at aktibidad; at
- pagbalangkas at pagpapatupad ng panloob na plano ng Ahensya ng LEP kung saan maaaring magkaroon ang mga indibidwal na may LEP ng makabuluhang access sa mga programa ng EPA.
Noong Hulyo 25, 2004, naglabas ang Office of External Civil Rights Compliance (OECRC) (na kilala noon bilang Office of Civil Rights) ng Dokumento ng Patnubay sa Patakaran na pinamagatang, "Guidance to Environmental Protection Agency Financial Assistance Recipients Regarding Title VI Probihition Against National Origin Discrimination Affecting Limited English Proficient Persons” (Patnubay sa mga Tatanggap ng Tulong-Pinansyal ng Environmental Protection Agency kaugnay ng Titulo VI na Pagbabawal sa Diskriminasyon sa Bansang Pinagmulan na Nakakaapekto sa mga may Limitadong Katatasan sa Ingles." Nananatiling may bisa ang Patnubay na iyon.
Noong Nobyembre 3, 2023, inilathala ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights (OEJECR) ang na-update na EPA Order 1000.32 (Tagalog) (pdf) "Compliance with Executive Order 13166: Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency". Nagbabalangkas ang Kautusan, na orihinal na inilabas noong 2011, ng mga kinakailangang gawing hakbang ng Ahensya para makapagbigay ng makabuluhang access sa mga indibidwal na may LEP sa mga programa, aktibidad, at serbisyo.
Gabay at Mga Materyal para sa EPA at sa mga Tumatanggap nito
- Executive Order 13166 Improving Access to Services for Persons with Limited English Proficiency (pdf) (227.2 KB) (Agosto 2000) (sa Tagalog)
- "Guidance to Environmental Protection Agency Financial Assistance Recipients Regarding Title VI Prohibition Against National Origin Discrimination Affecting Limited English Proficient Persons" na inilathala sa Pederal na Register noong Hunyo 25, 2004. (sa Tagalog)
- EPA Order 1000.32 (Tagalog) (pdf) (Nobyembre 2023)
- Impormasyon para sa mga Indibidwal na may Limitadong Katatasan sa Ingles
- LEP.gov -- website ng pederal na interagency na nagbibigay ng patnubay at kumokonekta sa impormasyon, mga tool, at teknikal na tulong tungkol sa limitadong katatasan sa Ingles at pag-access sa wika para sa mga pederal na ahensya, mga tatanggap ng pederal na pondo, mga gumagamit ng mga pederal na programa at mga programang tinutulungan ng pederal, at iba pa. (sa Tagalog)
Paki-email ang National External LEP at Disability Access Program Coordinator ([email protected]) para magbigay ng mga komento, makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa programang LEP ng EPA, o kung may mga tanong ka tungkol sa mga serbisyo ng tulong sa wika.